November 26, 2024
/
Updates & School Activities

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024: Diwa ng Pagkakaisa at Pagsasama

By
Megan Aranas (Bayanihan)

Sabi nga nila, ang Buwan ng Wika ay parang piyesta sa puso ng bawat Pilipino!

Ngayong taon, pinatunayan natin na hindi lang tayo magaling sa pag-awit ng "Pinoy Ako," kundi pati na rin sa pagpapakita ng ating pagmamahal sa bansa at sa pagmamalaki sa ating kultura. Bawat sayaw, tula, at laro ay nagpamalas ng tunay na diwa ng ating wika at pagkakaisa. Ang mga paligsahan sa larong pinoy at mga pagkaing Pilipino na pinagsaluhan ay nagbigay saya at kulay sa ating pagdiriwang! Kahit tapos na ang mga aktibidad, ang mga alaala ng mga tawanan at pagsasama ay mananatiling buo sa ating puso. Maraming salamat sa lahat na sumali at sumuporta sa pagdiriwang na ito. Ang Buwan ng Wika ay tiyak na magiging tampok sa mga susunod pang taon. Huwag nating kalimutan, ang wika natin ay simbolo ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating bayan!

Editor ng Bidyo: Elisha Lin, Bea Antunez, at Jannah To Chip (GMO)

Contact Us

Address
Don Jose Avila St., Cebu City, 6000 Cebu
Email Address
registrar.shs.hijas@gmail.com
hijas.admissions@gmail.com
acctg.shs.hijas@gmail.com
Contact No.
(032) 253-6347
(032) 254-4499
0961-701-6458